MANILA, Philippines – Patay ang isang opisyal ng barangay sa Zamboanga City matapos barilin ng hindi pa tukoy na mga gunman nitong Sabado, Nobyembre 22 sa Martha Drive, Barangay Santa Catalina.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Julambri Baring Utubara, 28, isang konsehal ng Barangay Manicahan.
Sakay ng motorsiklo ang biktima para makipagkita.
Ayon sa mga saksi, nagtanong pa ang biktima sa ilang naroroon kung ligtas ba ang lugar na kanyang pupuntahan at nagtungo sa loobang bahagi ng Martha Drive.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig na lamang ang mga saksi ng dalawang putol ng baril na kanilang pinuntahan para tingnan.
Dito na nila naabutan ang biktima na nakahiga sa kalsada sa tabi ng motorsiklo nito at duguan.
Agad na dinal ang biktima sa Zamboanga City Medical Center ngunit idineklarang patay.
Narekober ng mga imbestigador ang dalawang empty shell ng caliber .45 pistol.
Inaalam pa ng Zamboanga City Police Station 11 ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga bumaril. RNT/JGC