Home NATIONWIDE Shear line, Amihan magpapaulan sa hilagang Luzon

Shear line, Amihan magpapaulan sa hilagang Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang shear line sa silangang bahagi ng Northern Luzon habang Amihan naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong Linggo, Nobyembre 1 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm ang Mainland Cagayan, Apayao, Kalinga, at Isabela dahil sa shear line.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Abra, at Benguet.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here