Home ENTERTAINMENT Ellen, ‘spokesperson’ na ng mga ex-gf ni Derek!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ellen, ‘spokesperson’ na ng mga ex-gf ni Derek!November 24, 2025 12:312760 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Out of control na talaga si Ellen Adarna sa mga sunud-sunod niyang pasabog laban sa asawang si Derek Ramsey.Matapos ngang isiwalat ng retired Cebuana actress ang umano’y infidelity o pagtataksil nito ay binakbakan naman niya ito sa kanyang abusive behavior.Ibinahagi naman ni Ellen ang recording ng kanilang pag-aaway ni Derek, with the latter cussing her like hell.Katwiran ni Ellen, normal lang naman daw sa mag-asawa ang pagkaroon ng pagtatalo.Ang pinalagan lang niya’y bakit daw kailangang may murahan?Maaari naman daw idaan ang pagtatalo sa isang mahinahong paraan nang hindi nakakapagbitiw ng mga masasakit na salita.“I’m not perfect and I don’t pretend that I am,” pauna ni Ellen na aminadong maging siya’y may saltik din.Pero hindi raw ito nangangahulugang deserve niyang makarinig ng mga cuss words.Sa bandang huli ay dapat pa ring pinaiiral ang respeto sa partner mo.Kasabay nito’y hinanapan ni Ellen ng justification kung bakit ine-expose niya ang pag-uugaling ito ni Derek.Aniya, panahon na raw para wakasan ni Derek ang kanyang masamang ugali.Not only is Ellen daw doing it for herself kundi para sa mga dating nakarelasyon ni Derek.Mahihinuhang may komunikasyon si Ellen sa mga past women sa buhay ni Derek–at nais niyang kumatawan sa mga ito bilang “spokesperson.”It’s Derek against the world! Ronnie Carrasco III