Home METRO Pekeng P1,000 bill ikinakalat ng puting kotse sa Bulacan

Pekeng P1,000 bill ikinakalat ng puting kotse sa Bulacan

269
0

BULACAN, Philippines – Pinag-iingat ng Pamahalaang Barangay ang mga residente sa mga hindi kilalang indibiduwal na nagkakalat ng pekeng P1.000 bill sa bayan ng Bulakan.

Sa Facebook post ng Brgy. San Francisco na nagviral nitong gabi ng Sabado, Nobyembre 22, may nagsadya sa kanilang tanggapan at nakatanggap sila ng impormasyong patungkol sa pekeng pera.

Ayon sa ulat, nagmula ang pekeng pera mula sa hindi kilalang mga indibiduwal na lulan ng puting kotse na gumagala sa nasabing lugar.

Sinabi ng ilang netizen na sa kanilang tindahan ay nabilan ng mga ito ang kanyang apo gamit ang pekeng pera.

May nagsabi rin sa naturang post na babaeng netizen na nagtatrabaho sa bayan ng Guiguinto na siya rin ay nabiktima kamakailan ng lulan ng puting kotse.

Kaugnay nito, nalamang noong hapon ng Nobyembre 14, unang napabalitang inatake ng isang lalaki ang isang Pizza House nang bumuli ito ng milk tea na may halagang P100 gamit ang pekeng P1,000.

Kasunod nito, ilang mga estblisimento at ilang indibiduwal o netizen sa karatig lugar ay nabiktima rin ng naturang lalaki.

Sa modus ng sindikato, sinasabing kapag lumapag sa isang lugar ay sunod-sunod na tindahan o establisimento ang kanilang inaatake at magpapahinga lang ng ilang araw o isang linggo hanggang muling umatake sa kabilang bayan.

Dahil dito, pinag-iingat ng mga biktimang store owner ang mga kapwa nila sa modus ng sindikato at nanawagan sa mga awtoridad na agad mahuli ang mga ito para hindi na makapang biktima pa. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here