MANILA, Philippines – Nasa humigit kumulang kalahating milyong pisong halaga ng cash at mga sigarilyo ang natangay ng isang kawatan sa loob ng isang tindahan sa palengke sa Naic, Cavite
Sa nakalap na impormasyon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na pumasok sa Phoebe Leigh Grocery Store na matatagpuan sa Naic Public Market sa Barangay Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.
Batay sa ginawa ng imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing tindahan sa pamamagitan ng pagsira sa kisame nito at nang nakapasok ay tinangay ang pakete ng iba’t-ibang brand ng sigarilyo at cash na umaabot sa P310,000.00.
Napag-alaman bandang alas-6:00 na ng umaga nang nadiskure ng may ari na si Crispo, 62 anyos ang pagnanakaw nang buksan nito ang kanilang tindahan at nadiskubre na nawawala na ang mga pakete ng sigarilyo at cash.
Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan para sa agarang ikadarakip nito. MARGIE BAUTISTA