Home NATIONWIDE PBBM, Bersamin walang hidwaan

PBBM, Bersamin walang hidwaan

268
0

MANILA, Philippines – WALANG bad blood sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating Executive Secretary Lucas Bersamin matapos ianunsyo ng Malakanyang na nagbitiw sa puwesto ang huli ‘out of delicadeza’ makaraang mabanggit ang Office of the Executive Secretary (OES) sa mga alegasyon na may kinalaman sa flood control scam na kasalukuyang iniimbestigahan.

itinanggi naman ni Bersamin na siya ay nagbitiw sa puwesto.

“Nag-usap na kami. We understand each other, and we decided to keep it between ourselves. There’s no bad blood, there’s no acrimonious feeling. That’s fine,” ang sinabi ni sa press conference sa Presidential Broadcast Studio sa Kalayaan Hall, sa Palasyo ng Malakanyang.

Hinggil naman sa naging pagbibitiw sa puwesto ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, sinabi ng Pangulo na nagbitiw ito sa kanyang tungkulin matapos na madawit ang kanyang pangalan sa nasabing flood control scandal.

“You know it makes clear that whatever is going on, kung ano mang kwestyunin kung ano man ang mangyayari. We want to be sure that she’s not in a position where she might be suspected of influencing all that,” aniya pa rin sabay sabing “kasi when she’s out of government, wala na siyang impluwensiya. Hindi na masasabing inayos niya yung kaso niya.”

Matatandaang, inanunsyo ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pormal nang tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang resignation nina Bersamin at Pangandaman.

Ayon kay Castro, nagpasa ng resignation ang dalawang opisyal matapos mabanggit ang kanilang ahensya sa mga alegasyon na may kinalaman sa flood control scam na kasalukuyang iniimbestigahan.

Itinalaga naman si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary, habang si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go ang pumalit kay Recto bilang bagong kalihim ng ahensya.

Samantala, itinalaga si Rolando Toledo bilang officer-in-charge ng DBM na dating undersecretary ng naturang ahensya. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here