MANILA, Philippines – Aabot sa 10,256 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Nobyembre 20, ayon sa ulat nitong Lunes, Nobyembre 24.
Sa kabuuang bilang na ito, 44 ang namatay.
Karamihan sa mga pasyente ay may edad isa hanggang 10 taong gulang.
Ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng dengue sa lungsod ay naitala sa Barangay Batasan Hills, na may 857 kaso.
Isa sa mga kadahilanan sa barangay ay ang stagnant na tubig, na nagsisilbing breeding ground para sa mga lamok na nagdadala ng sakit.
Upang maiwasan ang dengue, dapat panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran at protektahan ang sarili.
Pinapayuhan ang publiko na kumonsulta sa doktor kung sila ay nakakaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, kahinaan, pantal, pagsuka, o pagdurugo ng gums.
Ayon sa Department of Health (DOH), bumaba ang mga kaso ng dengue sa buong bansa mula 15,182 kaso mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11 hanggang 14,038 kaso mula Oktubre 12 hanggang 25.
Gayunpaman, binalaan ng DOH ang publiko na huwang magpakakampante. Jocelyn Tabangcura-Domenden