Home NATIONWIDE PBBM, nanawagan sa mas malakas na ‘national action’ ukol sa climate resilience

PBBM, nanawagan sa mas malakas na ‘national action’ ukol sa climate resilience

253
0

MANILA, Philippines – MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘strong commitment’ ng administrasyon sa climate action.

Sa isang video message, nihayag ito ng Pangulo bilang tanda ng pagdiriwang ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week (CCC Week) 2025.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang annual observance ay sumasalamin bilang ‘shared aspiration’ para magtatag ng “a climate-resilient and environmentally sound nation.”

Winika pa ng Pangulo na ang week-long event ay nagsisilbi bilang mahalagang platform para sa policymakers, scientists, private institutions, at communities “to align national priorities with global climate commitments and the broader sustainable development agenda.”

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng lahat ng sektor sa pagpapalakas sa katatagan ng bansa sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng resource at integrasyon ng climate intelligence sa pagpa-plano at decision-making.

“As Chairperson of the Climate Change Commission, I reaffirm our determination to confront the challenges of climate change with decisive action, especially now as we continue to recover from the impact of recent calamities,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy nito na magpapatuloy ang government initiatives—kabilang na ang National Adaptation Plan, Nationally Determined Contribution Implementation Plan, at pinalawak na mga programa sa renewable energy, sustainable agriculture, at climate finance—bilang pinakamahalagang pundasyon sa pagtatatag ng mas ‘secure at nclusive future’ para sa lahat ng mga Filipino.

Para sa CCC Week theme ngayong taon, Makabagong Kilusan Para sa Klima at Kinabukasan, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na aktibong suportahan ang pagsisikap ng gobyerno na paghusayin ang climate resilience.

Nanawagan naman ito sa publiko na tingnan ang climate action hindi bilang Isang responsibilidad kundi Isang daannyungo sa long-term prosperity.

“As we realize our vision of a Bagong Pilipinas, let us uphold climate governance, protecting the beauty and bounty of our land while ensuring the welfare of generations to come,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here