Home HOME BANNER STORY Mga parak sa umano’y pagnanakaw, panggagahasa sa dalagita sa Cavite, iimbestigahan

Mga parak sa umano’y pagnanakaw, panggagahasa sa dalagita sa Cavite, iimbestigahan

301
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Police Commission (NAPOLCOM) nitong Lunes, Nobyembre 24 na iimbestigahan nito ang mga pulis na sangkot umano sa pagnanakaw at panggagahasa sa 18-anyos na babae sa Bacoor City, Cavite.

“We moved without delay,” saad sa pahayag ni NAPOLCOM chief commissioner Rafael Vicente Calinisan.

“Even before the full details were released publicly, NAPOLCOM already deployed investigators to ensure that an impartial and thorough probe is conducted. We will not allow even a single day of inaction when the integrity of the police service is at stake,” dagdag pa.

Nasa kabuuang 14 na pulis ang sangkot sa umano’y operasyon ng PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit 4A.

Ayon kay Calinisan, itinatag na ang four-man investigative team at nagtungo sa Bacoor City para suriin ang mga ebidensya at makabuo ng administrative liability sa mga sangkot.

Mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang NAPOLCOM sa police units on-site para sa lahat ng dokumento, ebidensya at pahayag sa pagpapabilis ng fact-finding process.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng NAPOLCOM na ang police operation na kinikwestyon “had no coordination, no documented authorization, and no record of any legitimate police activity at the time.”

Dahil dito ay may seryoso itong administrative at operational concerns.

Sa oras na mapatunayang nagkasala ang mga sangkot ay isasampa ang reklamong administratibo laban sa mga pulis kabilang ang grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Maaari itong magtuloy sa dismissal ng mga pulis sa serbisyo.

Samantala, pinuri naman ng NAPOLCOM ang Bacoor City Police, Regional Intelligence Division, Regional Headquarters Support Unit, and Regional Mobile Force Battalion sa pag-aresto sa walong tiwaling pulis at pagrekober sa mga nawawalang gamit.

Pinaghahanap pa ang anim sa mga sangkot na pulis habang ang apat sa kanila ay nagbabalak nang sumuko.

“The public deserves a police force they can trust. And we will not allow the actions of a few to tarnish the dedication of the many good, honest, and hardworking police officers,” ani Calinisan.

Ayon sa NAPOLCOM, nakatakdang maghain ng reklamo ang mga biktima sa Commission’s office ngayong araw.

Sa press briefing, sinabi ni PNP Drug Enforcement Group acting director Police Brigadier General Elmer Ragay na ang apat sa anim na pulis na nagtatago ay nagpadala na ng surrender feelers.

“Update lang po kasi alam naman natin walo ‘yung nakuha kahapon, six are at large. Four of them are sending in feelers for possible voluntary surrender. Pinipilit pa po natin ma-account silang lahat,” aniya.

Nasa kabuuang 15 pulis mula sa PDEG Special Operation Unit ang inalis na sa pwesto kabilang ang kanilang commander sa command responsibility.

Ani Ragay, magsasagawa ng anti-illegal drug operation ang 14 na pulis ngunit nagawang makatakas mula sa pulisya ang target ng operasyon.

Kasunod nito ay inaresto umano ng pulis ang girlfriend ng drug suspect at ginahasa ito.

Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang insidente at sinigurong ipapataw nito ang “swift and appropriate consequences” laban sa mga tiwaling pulis.

“The organization maintains zero tolerance for abuse, misconduct, or any action that undermines public trust. Personnel who perform with dedication, honesty, and honor will be duly recognized and rewarded,” pahayag ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez earlier.

“Conversely, those who deviate from these standards will face swift and appropriate consequences under the law,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here