Home HOME BANNER STORY Pasabog ni Zaldy Co: Personal na nagdeliber ng P1B kay Marcos sa...

Pasabog ni Zaldy Co: Personal na nagdeliber ng P1B kay Marcos sa utos ni Romualdez

274
0

MANILA, Philippines – Nagpasabog na naman si dating Ako Bicol representative Zaldy Co nitong Lunes, Nobyembre 24 kung saan personal niya umanong inihatid ang nasa P1 bilyong halaga ng pera kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa direktiba ni dating Speaker Martin Romualdez.

“One billion pesos ang personal kong naihatid. Ako mismo ang nagbigay ng pera kasama ng aking driver at mga tauhan, at lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romualdez,” ayon sa pinakabagong video ni Co na inilabas nito sa social media.

Aniya, tinanggap niya ang mga kautusan mula kay Romualdez nang siya ay umupo bilang chairperson ng House appropriations committee.

“Sinabi na agad sa akin ni Speaker Romualdez na kailangan kong makapag-deliver ng two billion pesos kada buwan.”

Dagdag pa ng mambabatas, sinabihan siya na ibigay ang pera kay Jojo Cadiz na may access sa drop off point malapit sa bahay ng Pangulo.

“Sinabi rin po sa akin ni Speaker Martin Romualdez na si PBBM (Marcos) ang nag-utos sa kanya na bilhin ang bahay para gamitin bilang bagsakan at imbakan ng pera mula sa mga kolesyon, SOPs at deliveries na para sa pangulo,” ani Co.

Sa hiwalay na post, inilabas ni Co ang mga larawan ng umano’y listahan ng cash deliveries para kay Marcos at Romualdez.

Aniya, naghatid siya ng P200 milyon kay Cadiz na dadalhin naman sa bahay ng Pangulo.

Noong Disyembre 5, 2024, naghatid pa umano siya ng P800 milyon sa kaparehong address at tinanggap ni Cadiz.

Nasa kabuuang P55 bilyon umano ang inihatid niyang cash sa bahay ng Pangulo.

“Ang sinabi mismo ni Speaker Martin sa akin na hati sila ni Pangulong Marcos sa perang iyon.”

Wala pang tugon ang Malakanyang sa isyu. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here