Home ENTERTAINMENT MU 2025, kahawig daw ni Jinkee Pacquiao!

MU 2025, kahawig daw ni Jinkee Pacquiao!

342
0

Manila, Philippines – Hindi talaga mauubusan ng pambihirang ideya ang mga Pinoy lalo’t katatapos lang ng ika-74 Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Kinorohang MU 2025 si Fatima Bosch ng Mexico.

Samantala, ang pambato nating si Ahtisa Manalo finished third runner-up.

Dumagundong nga sa venue ng MU ang pagkadismaya sa pagkapanalo ni Bosch dahil kapwa Mexican ang MU President at MU Mexico si Raul Rocha.

Gayunpaman, nahanapan ng humor ng mga Pinoy ang itsura ni Fatima na nakakahawig daw kay Jinkee Pacquiao.

Anila, sana’y si Jinkee na lang daw ang inilaban ng bansa.

Pinagtabi nga ang mga litrato nina Jinkee at Fatima, at mapapansin ngang magkahawig sila.

Speaking of the Pinoy netizens, dapat daw ay si Ahtisa ang nagwagi o ang kinatawan ng Cote d’lvoire na pumuwesto sa fourth runner-up. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here