MANILA, Philippines – Idineklara ni Pope Leo XIV ang Archdiocesan Shrine at Parish of Santo Niño de Tondo sa Manila bilang Minor Basilica, inanunsyo ng parokya nitong Lunes, Nobyembre 24.
Inilabas ang decree noong Nobyemre 9, 2025 na siyang kapistahan ng Dedication of the Lateran Basilica sa Roma.
Sa isang post sa socila media, inanunsyo ng parokya na ang Papal Decree ay ipinakita noong Lunes sa Arsobispado ne manila n Rev.Fr. Carmelo Arada Jr, ang chancellor ng Archdiocese of Manila.
Ayon sa isang ulat, na inilathala sa wesie ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), ang parokya ay itinatag noong 1572 at itinuturing na unang parokya sa rehiyon ng Luzon.
Paliwanag ng CBCP, na ang basilica ay isang simbahan na binigyan ng espesyal na pagkilala ng papa, madalas dahil sa kagandahan, kahalagahan sa kasaysayan o kahalagahan sa pananampalataya. Jocelyn Tabangcura-Domenden