Home HOME BANNER STORY Kanselasyon ng pasaporte nina Roque, Ong aprubado ng korte

Kanselasyon ng pasaporte nina Roque, Ong aprubado ng korte

245
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng korte sa Pasig ang kanselasyon ng mga pasaporre nina dating presidential spokesperson Harry Roque, Cassandra Li Ong at tatlo iba pang akusado sa qualified trafficking case na iniuugnay sa ni-raid na Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa Porac, Pampanga.

Sa omnibus resolution na inisyu noong Nobyembre 19 at isinapubliko nitong Lunes, pinagbigyan ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang mosyon ng prosekusyon na kanselahin ang mga pasaporte nina Roque, Ong at dating government official na si Dennis Cunanan, Ronelyn Baterna at Mercides Macabasa.

Nag-isyu rin ang korte ng hold departure order laban kina Ong, Baterna, Cunanan, Macabasa at 23 iba pa na iniuugnay sa trafficking case na nag-ugat sa umano’y illegal na aktibidad sa Lucky South 99 Corp.

Ang naturang POGO hub ay ni-raid at ipinasara noong 2024 kasunod ng mga alegasyon ng torture, human trafficking at online scamming.

Sa kanselasyon ng kanilang mga pasaporte, ang galaw ng limang respondents ay magiging limitado na lamang, ayon sa opisyal ng Department of Justice (DOJ).

“If they are in an Asean member-state, the DOJ can easily communicate with said state through the Bureau of Immigration that their passports have been canceled,” saad sa pahayag ni DOJ spokesperson Raphael Niccolo Martinez.

“With no valid passport, they can also now be subjected to deportation proceedings by the host state where they may be located,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here