Home NATIONWIDE 5.5K pasahero istranded sa mga pantalan kay Verbena

5.5K pasahero istranded sa mga pantalan kay Verbena

236
0

MANILA, Philippines – Nasa 82 ports at lugar sa bansa ang apektado ng masamang panahon dulot ng Tropical Depression Verbena, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pinakahuling tala ng PCG, sa nabanggit na bilang ng mga apektadong daungan at lugar, umabot na sa 5,576 pasahero ang stranded.

Hindi rin makabiyahe ang mga truck drivers, at cargo helpers.

Stranded din ang 1,936 na mga rolling cargoes, 121 vessels at 26 motorbancas habang 141 pang sasakyang-dagat ang sumilong o nagtago sa ligtas na lugar.

Karamihan sa may mga stranded na pasahero sa Southern Tagalog, Bicol, Western Visayas, Southern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Southwestern Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here