Home METRO Higit 8K indibidwal, lumikas sa Bacolod sa hagupit ni Verbena

Higit 8K indibidwal, lumikas sa Bacolod sa hagupit ni Verbena

269
0

MANILA, Philippines – Nasa 8,375 indibidwal mula sa 2,543 pamilya ang lumikas sa Bacolod City nitong Martes matapos magdulot ng matinding pagbaha ang malakas na ulan mula sa Tropical Depression Verbena.

Ayon sa Department of Social Services and Development hanggang 5:30 p.m., ang mga evacuee ay nanunuluyan sa halos 60 evacuation centers sa humigit-kumulang 30 barangay.

Pinakamalaking tama ang Barangay Singcang-Airport na may 5,825 evacuee sa siyam na evacuation site, kung saan umabot sa kisame ang baha sa Purok Mars at napilitang umakyat sa bubong ang mga residente.

Labing-isang kalsada ang hindi madaanan bago bumalik ang trapiko matapos humupa ang tubig.

Ayon kay Mayor Greg Gasataya, nag-umapaw ang ilang pangunahing ilog sa lungsod dahil sa tuluy-tuloy na ulan mula 6 a.m. hanggang 8 a.m., dahilan ng malawakang pagbaha, ngunit “the floodwaters subsided around 9 a.m.”.

May mga residente umanong maagang lumikas habang ang iba ay kinailangang sagipin. Nagpamahagi na ang lungsod ng DSWD relief supplies, lalo na para sa mga pamilya sa Purok Mars, at naghahanda pa ng dagdag na food packs para sa evacuation centers.

Bukod sa Singcang-Airport, naapektuhan din ng pagbaha ang bahagi ng Barangays Bata, Banago, Mansilingan, Pahanocoy, Taculing, Cabug, Montevista, Mandalagan, Estefania, Granada, Villamonte, Alijis, Tangub, Sum-ag, pati Barangays 1, 2, 3, 5, 8, 10, 13, 14, 16, 18, 27, 31, 35, 36, 40, at 41. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here