WASHINGTON – Posibleng magkaroon ng kasunduan ang United States at Iran, ayon kay US President Donald Trump, kasabay ng nagpapatuloy na diplomatic efforts para mapahupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
“Iran wants a settlement, as soon as possible. It could happen!” pahayag ni Trump.
Nagpatuloy nitong mga nakaraang araw ang indirect negotiations sa pagitan ng Washington at Tehran sa pamamagitan ng Qatari mediators.
Nag-alok din ang Iran na muling buksan ang Strait of Hormuz sa ilalim ng ilang kondisyon, kabilang ang pagwawakas ng US blockade sa Iranian ports at pagluwag sa ilang sanctions.
Gayunman, wala pang pinal na kasunduan at nananatiling hindi nagkakasundo ang dalawang panig sa ilang mahahalagang usapin, kabilang ang nuclear program ng Iran.
Bumaba rin nang malaki ang presyo ng langis kasabay ng pag-asa ng mga merkado na maaaring maiwasan ang panibagong paglala ng labanan sa Middle East. Dave Medina