Home HOME BANNER STORY Budget insertions, personal na tinalakay ni PBBM sa’kin – Zaldy Co

Budget insertions, personal na tinalakay ni PBBM sa’kin – Zaldy Co

247
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na personal niyang tinalakay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga insertions sa 2025 national budget noong Marso 2025.

Sa isang video na ibinahagi online, sinabi ni Co na sinabi ng Pangulo sa kanya at kay dating Speaker Romualdez, “Huwag mo akong pigilan sa mga insertions ko. Huwag ka nang makialam sa budget.”

Aniya, malinaw dito na si Pangulo mismo ang nag-utos kay Secretary Mina Pangandaman at Usec. Adrian Bersamin na ipasok ang P100 billion na proyekto.

Ayon kay Co, may karagdagang P50 billion na proyekto na hinihiling ng Pangulo, at nagpatuloy umano ang mga insertions sa panukalang 2026 budget.

Bukod sa Pangulo, inakusahan din ni Co si House Majority Leader Ferdinand “Sandro” Marcos ng taunang insertions na umabot sa P50.938 billion mula 2023 hanggang 2025.

Sinabi rin ni Co na ayon sa contractors, galit si Sandro Marcos dahil kulang ang 2025 budget insertion at binalak siyang kasuhan.

Tumugon si Sandro Marcos at itinanggi ang alegasyon, tinawag itong “fantastical and false,” at inakusahan si Co ng kasakiman at korapsyon, “Si Zaldy Co ay hindi isang journalist o truth crusader. Siya ay isang kriminal na umiwas sa hustisya.”

Samantala, nagsampa ang Makabayan Bloc ng resolusyon upang imbestigahan ang mga pahayag ni Co at dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here