Manila, Philippines – Hindi naman pala nasunog ang tulay sa pagitan ng big boss ng Media Quest Ventures/TV5 na si Manny V. Pangilinan at ni Willie Revillame.
Naiulat kasing “tablado” o tinanggihan ang TV host sa napipintong pagbabalik ng programa nito sa isang bagong pamagat. Nabalita rin na may buy-out na mangyayari. Sa madaling salita, initial negotiations involving Willie’s comeback have bogged down.
Pero may mga nagsasabi ring hindi naman totally tinanggihan ng TV5 top management si Willie. May mga dapat lang daw plantsahin.
Kalat na kasing kasado na ang “Wilyonaryo” ng TV host. Either it will air this December or in time para sa kaarawan ni Willie sa January next year.
Ang sabi pa’y mas katutok-tutok ito dahil sa isang milyong pisong ipamimigay ng programa araw-araw. This all the more dispels rumors na naghihirap na si Willie, dahil ibig sabihin ay paldu-paldo pa siya.
But as far as his former co-workers are reportedly concerned, gaano katotoo na ayaw na nilang bumalik si Willie sa TV5? Dahil ba ito sa ugali ni Willie sa kanyang pakikitungo sa staff?
In that case, bagong production staff ang kaalinsabay ng pagbabagong-bihis ng show. Eh, baka nga sa pagbubukas ng Bagong Taon ang simula nito para “consistently new.”