Home NATIONWIDE URC kinasuhan ng DENR sa wastewater spill sa Tañon Strait

URC kinasuhan ng DENR sa wastewater spill sa Tañon Strait

260
0

DUMAGUETE CITY — Nagsampa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga reklamo laban sa Universal Robina Corp. – Sugar and Renewables (URC-SURE) Bais Distillery dahil sa paglabag kaugnay ng wastewater spill sa Tañon Strait Protected Seascape.

Sinabi ni DENR-Negros Island Region Executive Director Charlie Fabre na naisampa ang mga kaso sa Bais City prosecutor’s office noong Nob. 21, at isinama ang kumpanya at ang mga opisyal nito noong panahon ng insidente para sa “violations of Republic Act 11038 o Expanded NIPAS Act 2018.”

“Kasama sa mga paglabag ang pagdidump ng waste sa dagat mula sa lagoon, na walang aplikasyon para sa SAPA (Special Use Agreement in Protected Areas),” ani Fabre.

Ang insidente noong Oktubre 26 ay nagdulot ng pagbabago ng kulay ng tubig, pagkamatay ng isda, at pagkaalis ng libu-libong mangingisda at negosyo sa Bais City at kalapit na Manjuyod.

Ang 17-hektaryang lagoon kung saan nagmula ang wastewater ay hindi na gagamitin, kahit na naayos na ang pader na tumagas. Nanatiling suspendido ang operasyon ng distillery habang nire-review ng Environmental Management Bureau ang kaso.

Dagdag pa ni Fabre, ang EMB ang magpapasya kung puwede nang ipagpatuloy ang operasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here