Home NATIONWIDE Jakarta, Indonesia pinakamataong lugar sa mundo

Jakarta, Indonesia pinakamataong lugar sa mundo

385
0

JAKARTA — Ang kabisera ng Indonesia, Jakarta, ay opisyal nang pinaka-mataong lungsod sa mundo na may 41.9 milyong residente, ayon sa ulat ng United Nations na World Urbanization Prospects 2025.

Nalampasan nito ang Tokyo, na ngayon ay pangatlo na may 33.4 milyon, at Dhaka sa Bangladesh, na pumangatlo na may 36.6 milyon.

Ayon sa ulat, inaasahang magiging pinakamataong lungsod ang Dhaka pagsapit ng 2050.

Binigyang-diin din ng ulat ang paglago ng mga “mega cities” na may higit 10 milyong tao, mula walong lungsod noong 1975 hanggang 33 ngayon, 19 sa mga ito ay nasa Asya.

Kabilang sa iba pang Asian cities sa top 10 ang New Delhi, Shanghai, Guangzhou, Manila, Kolkata, at Seoul.

Sa mga lungsod sa labas ng Asya, ang Cairo ang pinakamalaki sa Africa, São Paulo sa Americas, at Lagos sa sub-Saharan Africa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here