MANILA, Philippines – Sinubukan ng mga awtoridad na magsilbi ng warrant of arrest laban sa tatlong executive ng Sunwest Corporation sa isang hotel sa Pasay City nitong Biyernes, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ayon kay CIDG National Capital Region (NCR) Director Lt. Col. John Guiagui ang target ng operasyon ay ang mga miyembro ng Sunwest Board of Directors na sina Consuelo Aldon, Noel Cao at Anthony Ngo.
Sina Aldon, Cao at Ngo ay kabilang sa 16 na akusado ng graft at malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang P289.5-million road dike project sa Oriental Mindoro, kabilang ang dating House appropriations chair at nagbitiw na Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.
Siyam sa 16 na akusado ay dinala na sa kustodiya ng gobyerno noong nakaraang linggo para harapin ang mga kaso sa anti-graft court Sandiganbayan. RNT/MND