Home NATIONWIDE Higit 3,000 suspek sa droga, arestado ng NCRPO sa loob ng 3...

Higit 3,000 suspek sa droga, arestado ng NCRPO sa loob ng 3 buwan

260
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 3,555 drug suspects ang naaresto at humigit-kumulang P112 milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula Aug. 26 hanggang Nov. 25, 2025.

Ito ay bilang pagtupad sa direktiba ng Acting PNP Chief Lt. Gen. José Melencio Nartatez Jr. na paigtingin ang operasyon laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Kabilang sa nakumpiskang droga ang 15.48 kg ng shabu, 8.05 kg ng tuyong marijuana, at iba pang high-value substances na may kabuuang halagang P112.7 milyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here