Home ENTERTAINMENT Ellen, nag-impake na; 11 na maleta, dala-dala!

Ellen, nag-impake na; 11 na maleta, dala-dala!

272
0

Manila, Philippines – Labing-isang maleta.

Ito ang kabuuang bilang ng mga suitcase o maleta na inempake ni Ellen Adarna bilang pag-alis sa bahay ng asawang si Derek Ramsay.

Pansamantala kasing nanirahan ang retired actress sa tahanan ng Fil-British actor sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Makikitang ipinost ni Ellen ang 11 na maleta sa kanyang Instagram Story.

Gayundin ang larawan nila ng kanyang mga kaibigan sa dinner table.

Nagpasalamat si Ellen sa kanyang mga kalbigang tumulong sa pag-eempake ng kanyang mga gamit.

Nauna dito’y tiniyak na niya ang kanyang pag-alis sa bahay ni Derek habang hinihintay matapos ang renovation ng lilipatang bahay.

Hindi naman binanggit ni Ellen kung saan ito.

Nakiusap lang daw siya kay Derek dahil alangan naman daw palayasin siya nito kasama ang kanilang anak na si Baby Liana.

Lalo lang tumibay ang matagal nang usapan noon na nagkakaproblema nga ang married couple.

Earlier, Ellen accused Derek of infidelity–nagdadalantao pa lang ito.

Pinararatangan din ng verbal abuse ni Ellen ang asawa–base sa recording na inilabas niya.

Damay rin ang kanilang yaya na may reklamo rin laban kay Derek.

However, all this time ay ayaw pumatol ni Derek at sa halip ay naniniwalang magiging maayos uli ang lahat sa pagitan nila ng asawa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here