Manila, Philippines – Nagbigay ng mga balidong dahilan si Louie Heredia kung bakit hindi dapat ibunton sa kanya ang sisi sa pagpuwesto ng third runner-up lang sa pambato nating si Ahtisa Manalo sa recently concluded na 74th Miss Universe.
Bahagi pa rin ito ng panayam ng PEP sa Pinoy singer na tumayong isa sa mga hurado.
Iginiit ni Louie na isa lang siya sa walong judges.
As such, ang alam lang daw niya ay ang scores na ibinigay niya, hindi ang scores ng pito pang hurado.
Wala din daw sa kanilang walong judges ang may prior knowledge kung sino ang mga papasok sa Top 30 at Top 12.
Higit sa lahat, gustuhin man daw ni Louie na kumpirmahin o itanggi ngang may dayaang nangyari ay wala naman siyang katibayan.
Basta he could only answer for himself.
At personally nga’y isiniwalat ng singer na ang mataas na scores daw para sa kanya ay sina Ahtisa at kinatawan ng Thailand, ang tinanghal na first runner-up kay Miss Mexico.
Nagkatingin nga daw silang walong hurado nang i-announce na si Fatima Bosch ng Mexico ang pinroklamang winner.
Sa bandang huli, iginiit ni Louie na ang judging niya ay base sa beauty ng kandidata–hindi sa ganda ng gown o swimsuit o sa paraang inirampa ito. Ronnie Carrasco III