Home METRO Dog trainer sa Batangas, tiklo sa pangmomolestiya ng menor-de-edad

Dog trainer sa Batangas, tiklo sa pangmomolestiya ng menor-de-edad

264
0

BATANGAS, Philippines – Isang 67-anyos na search and rescue instructor at dog trainer ang inaresto noong Huwebes, Nob. 27, sa Santo Tomas City, Batangas province dahil sa pangmomolestiya sa isang menor de edad.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Mayor Tomas Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan, kinilala ang suspek na si Red, biyudo, mula sa Pandacan, Maynila.

Ang suspek ang ikapitong most wanted person sa Batangas.

Siya ay dinakip sa isang warrant na inisyu ni City Prosecutor Jonathan M. Aldovino para sa tatlong bilang ng lascivious conduct at kaso ng panggagahasa sa pamamagitan ng sexual assault.

Pinuri ni Marasigan ang pulisya sa pagkakaaresto sa suspek na ilang beses umanong nang-abuso sa menor de edad na biktima sa Barangay San Vicente, Santo Tomas City.

“The city government at no time tolerates any criminal act against anyone especially women and children. We ensure that law and order are significantly enjoyed by our people any time of the day,” saad ni Marasigan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here