MANILA, Philippines – Naitala ng Department of Health (DOH) ang 5,000 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa mula Hulyo hanggang Setyembre, sinabi ni Secretary Teodoro Herbosa nitong Sabado, Nobyembre 29.
Iginiit ni Herbosa na ang Pilipinas ay kasalukuyang humaharap sa HIV outbreak.
“Thirty percent of the new cases are below the age of 18. They are young. So ’yan, diyan ako naaalarma kasi for life na ’yung treatment.”
Nanawagan ang DOH sa deklarasyon ng national public health emergency matapos na maitala ang 500% pagtaas sa mga kaso ng HIV sa kabataang Filipino.
Hanggang noong Hunyo 2025, ang bansa ay mayroong 148,831 kaso ng HIV.
Sa patuloy na pagtaas, ibinabala ni Herbosa na maaari itong umabot ng 400,000. RNT/JGC