Home NATIONWIDE Global experts hinimok ang WHO na ikonsidera ang harm reduction pagdating sa...

Global experts hinimok ang WHO na ikonsidera ang harm reduction pagdating sa tobacco control

212
0

MANILA, Philippines – Mahigit 40 health experts mula sa iba’t ibang bansa ang sabay-sabay na nanawagan sa World Health Organization (WHO) na repasuhin ang kasalukuyan nitong posisyon sa tobacco control at isama ang harm reduction bilang bahagi ng epektibong polisiya.

Ang pahayag ay inilabas sa “Expert Wall” ng The Counterfactual kasabay ng pagtipon ng mga delegado sa Geneva para sa naganap na COP11 ng WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) noong nakaraang linggo.

Ayon sa grupo, ang patuloy na pagtutok ng WHO sa abstinence-only approach ay hindi na tumutugma sa umiiral na ebidensiya, at posibleng humadlang pa sa mas mabilis na pagbaba ng paggamit ng sigarilyo.

“The goal of reducing the toll of death and disease caused by tobacco requires policies that accurately reflect the epidemiological evidence on the harms of different types of tobacco and nicotine products,” pahayag ni Dr. Robert West ng University College London.

Sinabi naman ni Dr. David Nutt ng Imperial College London na malaki ang magiging kapalit kung mananatili ang WHO sa dating pananaw. “Smoking causes a massive burden of death and disease worldwide, killing about 8 million people annually,” aniya. “We now have vaping and other smoke-free alternatives to cigarettes that can dramatically cut the risks for people who cannot or do not want to quit using nicotine.”

Binanggit ni Dr. Ruth Bonita na may sapat na ebidensiya mula sa ibang bansa. “Independent evidence, including real-world evidence from New Zealand, shows that regulated, reduced-harm smoke-free nicotine products can accelerate declines in smoking and prevent disease,” aniya.

Ayon kay Dr. Ann McNeill, kailangang maging bukas ang WHO sa lahat ng credible scientists at hindi lamang sa mga may kaparehong ideolohikal na pananaw.

Binigyang-diin ni Dr. Andrzej Fal na dapat unahin ng WHO ang pagpigil sa pagkakasakit at pagkamatay. “As a pragmatist and practitioner, I believe we should prioritize reducing disease and death, and that means we should focus on reducing smoking in any way we can,” aniya.

Para kay Dr. Neal Benowitz, dapat nakatuon ang FCTC sa pag-alis ng mga produktong sinusunog tulad ng sigarilyo, dahil ang mas mababang panganib na produkto ay maaaring makatulong sa pagtigil sa paninigarilyo. Ang layunin, aniya, ay “should be to promote the elimination of cigarettes and other smoking products.”

Sinabi naman ni Dr. Kenneth Warner na malinaw ang ebidensiya tungkol sa vaping at na ang mga pangamba, lalo na sa kabataan, ay “grossly exaggerated.”

Idinagdag ni Dr. K. Michael Cummings na ilang bansa na ang nakapagpakita ng malaking pagbaba sa smoking rates dahil sa regulated access sa mas mababang panganib na produkto, ngunit nananatili umanong “blind spot” ito para sa WHO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here