Home NATIONWIDE Patay sa baha, landslide sa Sri Lanka umabot na sa 334

Patay sa baha, landslide sa Sri Lanka umabot na sa 334

244
0

SRI LANKA – Umakyat na sa 334 ang bilang ng mga nasawi sa matinding pagbaha at mga landslide dahil sa Cyclone Ditwah sa Sri Lanka.

Ayon sa disaster agency ng bansa, ito ang pinakamatinding natural disaster na tumama sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada.

Sinabi ng Disaster Management Centre (DMC) na ang death toll ay umakyat na sa 334 mula sa 212 noong Linggo.

Mayroon pang 400 ang nawawala at mahigit 1.3 milyong tao sa buong isla ang apektado ng record-breaking na ulan.

Idineklara na ni President Anura Kumara Dissanayake, ang state of emergency.

“We are facing the largest and most challenging natural disaster in our history,” anang Pangulo.

“Certainly, we will build a better nation than what existed before.”

Ang pinsala ang pinakamatindi mula noong 2004 Asian tsunami na kumitil sa buhay ng 31,000 katao at milyon-milyong nawalan ng tirahan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here