MANILA, Philippines – “Piliin niyo lagi ang tama. Piliin ninyo ang bayan. Piliin ninyo ang katapatan at ang kapayapaan.”
Ito ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga graduating officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagtibayin ang kanilang tungkulin sa Republika at manguna na may integridad sa pagsisimula ng kanilang military careers.
Sa pagsasalita sa Major Services Officer Candidate Course Joint Graduation Ceremony, sinabi ng Pangulo na ang katapatan ng mga opisyal ay dapat na palaging sa Konstitusyon at sa mga mamamayan at hindi sa sinumang indibidwal o paksyon.
“More than this, the AFP that you are part of now must always rise above politics. Your loyalty must not betoany individual or faction, butonlyto the Republic,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang seremonya na idinaos sa Villamor Air Base in Pasay City.
Pinaalalahanan naman ng Chief Executive ang mga top graduates na ang kanilang tagumpay sa AFP ay sinusukat hindi lamang sa medalya kundi sa kung paano sila magsilbi sa kanilang kapwa mamamayan.
“Alam kong mabigat ang panahon ngayon. The world is changing fast. These changes can create new risks for our country,” ang sinabi ng Pangulo.
Tinuran pa ng Pangulo na dapat na ipinagpapatuloy ng military ang pagdepensa sa Philippine sovereignty, partikular na sa West Philippine Sea, kung saan patuloy na pinaninindigan ng mga filipino mangingisda at sundalo ang karapatan ng bansa sa kabila ng lumalagong mga hamon.
“We will stay vigilant against any attempt to weaken our sovereignty or test our resolve,” aniya pa rin.
Binigyang diin naman ng Pangulo ang halagahan ng pagsasanay ng mga gradweyt, na naghanda sa kanila na mag isip ng mabilis, kumilos nang desidido at mahigpit na makipagtrabaho sa iba maging ito man ay sa loob ng AFP sa international partners.
Winika pa ng Pangulo na ang kanilang integridad ay sumasalamin sa kanilang uniporme at ranggo at dapat na magsilbing role models, lalo na’t hangad ngayon ng mga filipino ang katapatan at katapangan sa public service.
Muli namang pinagtibay ng Pangulo ang commitment ng gobyerno sa pagtatayo ng moderno at professional AFP.
“We continue to invest in radar systems, ships, aircraft, and facilities that will strengthen our deterrence and improve disaster response,” ang sinabi ng Pangulo.
“We also deepen our partnerships with other countries, such as Japan, the United States, and Australia, as well as other allies, to better protect our shared peace and stability,” aniya pa rin.
Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga gradweyt na ang kanilang misyon ay dapat na i-extend na lampas sa pagkompleto ng kanilang operasyon.
Kabilang din dito ang pagpapanatili ng kapayapaan, pagprotekta sa mga komunidad sa panahon ng kalamidad, pag-secure sa eleksyon at paghahatid ng government services sa kahit sa pinaka-remote na mga lugar.
“There will be moments when your integrity will be tested. Corruption and dishonesty can manifest in many forms. Kaya piliin niyo lagi ang tama. Piliin ninyo ang bayan. Piliin ninyo ang katapatan at ang kapayapaan,” ayon sa Pangulo.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga gradweyt na palaging dalhin ng mga ito ang pride ng kanilang pamilya at pag-asa ng mga mamamayang filipino, sabay sabing ang tagumpay ay makatutulong na makapagtaguyod ng ligtas, mapayapa at masaganang bansa.
Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga pamilya na sinuportahan ang mga kandidato sa sa buong pagsasanay nila, at maging ang mga instructors at mentors, na gumabay sa mga ito “with patience and purpose.”
Sa kabilang dako, ang Officer Candidate Course (OCC) ay isang one-year program para sa baccalaureate degree holders, dinisenyo para ihanda ang mga ito na maging ‘mentally, physically, at emotionally fit’ para sa pagkomisyon sa AFP Regular Force.
Ngayong taon, may kabuuang 638 kadete mula sa Philippine Army (PA) Class “Bumannawag” (326), Philippine Air Force (PAF) Class “Kahimdaliyan” (164), at Philippine Navy (PN) Class “Sagmaraya” (148) matagumpay na nakompleto ang kanilang OCCs at sasapi sa AFP bilang second lieutenants at ensigns.
Samantala, tinulungan naman si Pangulong Marcos nina National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa pagkakaloob ng awards sa mga top students sa panahon ng seremonya. Kris Jose