MANILA, Philippines – BILANG bahagi ng “One Smart TV, One Classroom program”, pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pamamahagi ng nasa 397 laptops at 133 Smart TV sa 72 pampublikong paaralang pang-elementarya, nitong Lunes ng umaga sa San Andres Sports Complex.
Ipinaliwanag naman ng alkalde ang ginawa nitong pagsisinop ng pananalapi upang magkaroon ng panggastos sa nasabing proyekto, sa kabila ng malaking problema sa pananalapi ng lokal na pamahalaan, upang bigyang prayoridad ang pangangailangan ng mga guro at estudyante sa mga silid-aralan.
Sinabi ni Mayor Domagoso na noong Hulyo 9, inaprobahan ng Manila City School Board ang realignment ng P143 milyon mula sa 2025 Special Education Fun upang matustusan ang digital equipment sa halip na gastusin sa hindi naman kinakailangang pagkukumpuni.







