Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person sa lalawigang ito sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa bayan ng Santa Maria nitong Disyembre 1.
Sa ulat ni PLTCOL Mark Louie Sigua, Acting chief of police ng Santa Maria police station, kinilala ang suspek na si alyas “Mark”, 28, residente ng Brgy. Caypombo
Ayon sa report, isinilbi sa target ang WOA ng Tracker Team ng istasyon bandang 11:00 ng umaga sa ilalim ng puno sa nasabing lugar.
Ayon sa report, ang WOA sa kasong Statutory Rape na walang piyansa at Acts of Lasciviousness na may piyansang P200,000.00 na inisyu ng Presiding Judge of Family Court, Branch 6, Third Judicial Region, Santa Maria, Bulacan noong Nobyembre 18, 2025.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon para sa tamang disposisyon. Dick Mirasol III