Home NATIONWIDE Pagsasaayos ng flood control structure sa Cebu na nawasak ng bagyong Verbena,...

Pagsasaayos ng flood control structure sa Cebu na nawasak ng bagyong Verbena, siniguro ng DPWH

246
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad matatapos ang pagsasayos sa bahagi ng flood control structure na bumagsak sa kasagsagan ng bagyong Verbena sa Cebu.

Ito ay matapos na agarang sinimulan ng DPWH ang reconstructiong ng istraktura sa bahagi ng Barangay Kang-actol, Dumanjug, Cebu.

Ayon sa DPWH, gumuho ang naturang istruktura dahil sa malakas na ulan na dala ng Bagyong Verbena noong Nobyembre 25.

Iniutos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mabilis na pagsasaayos upang maprotektahan ang mga kabahayan at kabuhayan ng mga residente.

Pagtitiyak ni DPWH Secretary Vince Dizon, matatapos ang reconstruction sa loob ng isang linggo bilang tugon sa pangangailangan ng komunidad at upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here