Home ENTERTAINMENT Edu may hanash sa P500 Noche Buena ng DTI

Edu may hanash sa P500 Noche Buena ng DTI

375
0

Manila, Philippines – Kung nauso ang TV commercial na ice cream in cone sa halagang P20, pauso din si DTI Secretary Cristina Roque sa kanyang P500 Noche Buena.

Ipinagpipilitan kasi ng kalihim na sa halagang P500 ay makakabili ka na ng ham, mga rekado para sa macaroni salad at spaghetti.

Kasya na daw ito sa isang pamilya of four members.

Talaga lang, ha?

Isa nga si Edu Manzano sa hanay ng mga artistang nag-react sa sinabi ni Roque.

Aniya: “Para sa mga hindi updated, eto ang breaking news na nagpataas ng kilay ng buong Pilipinas…”

Binanggit nga ni Edu ang “Noche Buena suggestion” ni Roque.

Patuloy ni Edu: “Tayo ay curious. Abangan ang P500 Noche Buena challenge!”

Tinawanan lang ‘yon ni Alessandra de Rossi.

Naiintriga naman ang isang netizen kung saan namamalengke si Roque, doon na rin daw makapunta.

Gusto naman ng isang netizen na samahan siyang mamili ni Roque na obvious na “detached from reality.”

May patawa naman ang isang netizen na warl’y sumasang-ayon kay Roque: “Puwede ‘yan… Al Noche Buena!”

As in, gamit ang Artificial Intelligence.

Ang mga “Roque” talaga, oo… mga newsmakers!

Lol!
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here