Home ENTERTAINMENT Anjo, may banta kay MVP!

Anjo, may banta kay MVP!

332
0

Manila, Philippines – Umabot na si Anjo Yllana sa puntong nag-isyu na siya ng ultimatum kay Mr. Manny V. Pangilinan o MVP sa business circle.

Si MVP ang may-ari ng MediaQuest Ventures o TV5, na ilan lang sa kanyang mga negosyo.

Ang ultimatum ni Anjo ay bunsod sa ‘di pag-ge-guest sa kanya ni Cristy Fermin sa radio program nito, ang CFM, na umeere araw-araw maliban sa Sabado at Linggo.

Hinihiling kasi ni Anjo na makapag-guest sa CFM para depensahan daw ang kanyang sarili laban sa mga paninira ng main anchor nito.

May kaugnayan ito sa mga rebelasyon ni Anjo kay Senator Tito Sotto.

“MVP, nananawagan ako sa inyo… panay paninira sa akin ng mga tauhan n’yo diyan tulad ni (Ate) Cristy Fermin. Paano ko ipaliliwanag ang side ko kung ayaw niya akong i-guest?” naghihimutok na sabi ni Anjo sa kanyang TikTok.

Tinawag ni Anjo na hindi patas ang TV5 (sister company ng Radyo Singko).

Sa isang bahagi ng kanyang pag-TikTok, bumaling si Anjo sa isang tao sa background: “Ilan na ba ang mga followers ko? Kanina lang, umabot na ng 6 million.”

Saka sa puntong ito, pinakawalan ni Anjo ang kanyang banta kay MVP.

Sabi niya: “Pag ganyan din lang ang istasyon n’yo, sasabihin ko sa lahat ng mga followers ko na huwag nang manood sa TV5 dahil one-sided kayo!”

Ang tanong – apektado ba naman si MVP?

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here