Home NATIONWIDE P2-B TUPAD aid naipamahagi sa mga apektadong lugar ng kalamidad

P2-B TUPAD aid naipamahagi sa mga apektadong lugar ng kalamidad

251
0

MANILA, Philippines – Ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang PHP2.045 bilyon sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program sa halos 400,000 benepisyaryo na apektado ng natural na kalamidad sa 10 rehiyon.

Mula sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon noong nakaraang taon hanggang sa mga kamakailang bagyo, nakatanggap ng emergency employment ang 381,513 indibidwal sa buong bansa.

Noong nakaraang buwan, naglaan ang DOLE ng P843 milyon sa pansamantalang sahod para sa mahigit 160,000 manggagawang apektado ng bagyo.

Matapos ang Typhoon Tino, 68,349 manggagawa sa Western, Central, at Eastern Visayas at Caraga ang nakatanggap ng PHP363 milyon, habang 91,699 manggagawa na apektado ng Super Typhoon Uwan sa Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, at Western Visayas ay nakatanggap ng PHP480 milyon.

Sa Central Visayas at Aurora, tumulong ang mga benepisyaryo ng TUPAD sa recovery efforts, clearing operations, at rehabilitasyon ng mga nasirang bahay.

Na-extend rin ang emergency employment sa mga manggagawa na apektado ng lindol sa Visayas at Mindanao, na nakatulong sa 9,413 manggagawa sa Central Visayas (PHP55.9 milyon) at 5,726 manggagawa sa Davao at Caraga (PHP29 milyon).

Bukod sa emergency employment, 1,693 benepisyaryo sa buong bansa ang nakatanggap ng PHP19.5 milyon sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Ayon kay BWSC Director Leilani Reynoso, patuloy na susuportahan ng DOLE ang mga biktima ng kalamidad at pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan at oportunidad ng mga manggagawang Pilipino. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here