Home NATIONWIDE Immigration application, inihinto ng US mula sa 19 non-European country

Immigration application, inihinto ng US mula sa 19 non-European country

229
0

USA – Ipinahayag ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump nitong Martes ang paghinto sa lahat ng aplikasyon sa imigrasyon, kabilang ang green card at pagkamamamayang Amerikano, para sa mga imigrante mula sa 19 non-European na bansa, dahil sa mga alalahanin sa pambansang seguridad at kaligtasan.

Kabilang sa mga bansang target sa memorandum ang mga dati nang naapektuhan ng partial travel ban noong Hunyo: Afghanistan, Burma, Chad, Congo, Equatorial Guinea, Eritrea, Haiti, Iran, Libya, Somalia, Sudan, Yemen, Burundi, Cuba, Laos, Sierra Leone, Togo, Turkmenistan, at Venezuela.

Ang hakbang ay bunga ng nakaraang pag-atake sa US National Guard sa Washington, kung saan naaresto ang isang Afghan; isang guwardiya ang namatay at isa ang malubhang nasugatan.

Ang polisiya ay nag-aatas ng masusing muling pagsusuri sa mga pending na aplikasyon, kabilang ang posibleng panayam, upang suriin ang banta sa pambansang seguridad at kaligtasan.

Sinabi ni Sharvari Dalal-Dheini, senior director ng government relations para sa American Immigration Lawyers Association, na nakatanggap ang grupo ng mga ulat ng pagkansela ng oath ceremonies, naturalization interviews, at adjustment of status interviews para sa mga aplikante mula sa mga listadong bansa.

Mula nang bumalik sa puwesto, agresibong pinokus ni Trump ang pagpapatupad ng batas sa imigrasyon, pagpapadala ng federal agents sa malalaking lungsod, at pagtanggi sa mga asylum seeker sa US-Mexico border, habang binibigyang-diin ang mga legal na limitasyon sa imigrasyon bilang hakbang sa seguridad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here