Home NATIONWIDE Driver’s license at rehistro para sa e-trikes, isinusulong ni Tulfo

Driver’s license at rehistro para sa e-trikes, isinusulong ni Tulfo

248
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Senador Raffy Tulfo noong Miyerkules ang gobyerno na gawing obligatorio ang driver’s license at rehistro para sa mga gumagamit ng e-trike, dahil sa tumataas na insidente sa kalsada at kahinaan sa pagpapatupad.

Ayon sa senador, habang ang mga pribadong light electric vehicles (LEVs) ay exempted, ang mga e-trike na bumabyahe sa lokal na kalsada ay dapat magkaroon ng espesyal na lisensya.

“If it is for private use and hindi gagamitin sa highway, exempted sila sa pagpapa-register. However…they must secure driver’s license,” sabi ni Tulfo.

Dagdag niya, hindi makapag-isyu ng traffic ticket ang mga enforcement officer sa mga e-trike driver, kaya hindi natutugunan ang mga paglabag.

Ani Atty. Victor Nuñez ng MMDA Traffic Enforcement Group, marami sa e-trike ang walang rehistro kaya mahirap hulihin.

Binanggit din ni Tulfo ang ilang programa ng LGU na nagdi-distribute ng e-trike nang walang koordinasyon sa national transport agencies.

Kinumpirma ni LTO Executive Director Atty. Greg Pua na maraming e-trike ang higit sa 50 kilos, kaya kailangan ng rehistro.

“Kailangan din po talaga siyang mag-driver’s license… yung iba sinasakay pa nga sampu,” aniya.

Binigyang-diin ni Tulfo na kahit ang pribadong ginagamit na e-trike ay dapat may lisensiyadong driver para sa kaligtasan sa kalsada.

“Para sakin, tutal namamasada sila, kumikita sila, dapat may driver’s license,” sabi niya. Binigyan niya ang LTO ng tatlong araw upang pag-isipan kung idedelay ang e-trike ban sa main roads para sa mas maayos na impormasyon sa publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here