Home METRO Bebot, utas sa kelot na tumanggi sa alok na tobats

Bebot, utas sa kelot na tumanggi sa alok na tobats

207
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang pumatay sa isang babae sa Barangay Cupang, Antipolo City nitong Miyerkules ng madaling araw matapos umano itong mag-alok ng ilegal na droga.

Ipinakita sa CCTV footage na sinundan ng suspek ang biktima bandang ala-1 ng madaling araw, at binaril sa batok, na ikinamatay nito kaagad.

Ayon sa pulisya, tumanggi ang suspek na bumili ng droga, kaya minura siya ng biktima.

“Tumanggi po ang suspect na bumili ng drugs. Kaya ang ginawa nito ni victim, yung babae, is pinagmumura po itong si suspect,” ani Antipolo CCPS spokesperson Police Lt. Ken Ladyong Ada-Ol.

Pagkatapos, bumalik ang suspek sa kanyang bahay upang kunin ang baril at pinatay ang babae. Narekober ng pulisya ang improvised gun malapit sa crime scene. Naaresto ang suspek matapos makilala sa CCTV footage at mga saksi.

Inamin ng suspek ang krimen: “Ako naman po talaga bumaril doon. Nagi-inom po kami diyan sa amin tapos inalukan po ako ng drugs. Nabigla lang po talaga ako. Pasensya na po kayo sa nagawa ko, patawad po.”

Bukod sa kasong murder, ayon sa pulisya, may nakabinbing warrant of arrest din ang suspek para sa robbery. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here