Home METRO PDEA: P45.77M tobats nasabat; 73 suspek, timbog sa 1 linggo

PDEA: P45.77M tobats nasabat; 73 suspek, timbog sa 1 linggo

185
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakasamsam ng P45.77 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang linggong operasyon sa buong bansa simula Nob. 21. Nasakote rin ang 73 na suspek.

Kabilang sa mahahalagang operasyon ang pagkaka-konfiska ng 115 gramo ng shabu at pag-aresto sa apat na suspek sa Iloilo City; pagkuha ng 1,395.65 gramo at 1,079.19 gramo ng shabu sa Tacloban, Leyte; buy-bust operations sa Davao provinces na nakakuha ng 169,575 gramo at 500 gramo ng shabu; interception ng 5,000 gramo ng marijuana bricks sa Sultan Kudarat at Maguindanao; at pagsira sa 75,878 ganap na lumaking halaman ng marijuana sa tri-boundary ng Benguet, La Union, at Ilocos Sur.

Kasama sa mga naaresto ang 33 pusher, 10 may-ari ng drug den, lima empleyado, 12 kliyente, siyam may hawak, tatlong nagtatanim, at isang gumagamit. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here