Home NATIONWIDE Gatchalian itinangging may bias senator-judges sa VP Sara impeachment trial

Gatchalian itinangging may bias senator-judges sa VP Sara impeachment trial

2
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Senate President Sherwin Gatchalian na may kinikilingan ang mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, matapos akusahan ng kampo ng Bise Presidente ang ilang senador na kumikilos na tila mga prosecutor.

Iginiit ni Gatchalian sa isang radio interview na bahagi ng tungkulin ng senator-judges ang pagsusuri sa kredibilidad ng mga testigo.

“Kasama ‘yan sa trabaho ng senator-judges to test the credibility nung testigo, lalo na may mga testigo na nakakalimot, hindi alam,” ani Gatchalian.

Paliwanag niya, maaaring magtanong ang senator-judges upang linawin ang mga pahayag ng testigo, tulad ng ginagawa ng prosecution at defense panels.

Ayon pa kay Gatchalian, sinisikap ng mga senador na manatiling patas at objective sa kanilang pagtatanong sa kabila ng mga alegasyon ng pagkiling.

Kasunod ito ng mga pahayag ni Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ni Duterte, na umano’y nagpapakita ng bias ang ilang senator-judge sa pagtatanong kay dating Anti-Money Laundering Council (AMLC) official Rainer dela Fuente, na tumestigo para sa depensa.

Partikular na kinuwestiyon ni Panelo ang naging pagtatanong nina Senators Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Raffy Tulfo.

Dahil dito, naglabas ang Senate impeachment court ng show-cause order laban kay Panelo noong Nobyembre 20 upang pagpaliwanagin siya tungkol sa kanyang mga pahayag.

Iginiit naman ni Panelo na protektado ng karapatan sa malayang pagpapahayag ang kanyang mga komento at hindi niya layuning hadlangan ang paglilitis.

May hanggang Lunes, Nobyembre 23, si Panelo upang tumugon sa kautusan ng impeachment court. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here