Home NATIONWIDE Lisensya ng motoristang pinagmaneho menor na anak, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng motoristang pinagmaneho menor na anak, sinuspinde ng LTO

218
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) nang 90 araw ang lisensya ng isang motorista sa Echague, Isabela matapos mag-viral ang video ng kanyang menor de edad na anak na nagmamaneho ng sasakyan habang umuulan.

Inatasan ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao si Geronimo Santos, OIC ng LTO Cagayan Valley, na maglabas ng suspension order.

Naglabas din ang LTO ng show cause order para sa motorista dahil sa pagpapahintulot sa bata na magmaneho, na maaaring “makaapekto sa kaligtasan ng ibang motorista.”

“Dahil dito, pinapanagot siya ng LTO sa posibleng paglabag sa Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle,” ayon sa ahensya.

Kailangan niyang magsumite ng written explanation sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi dapat masuspinde pa o makansela ang kaniyang lisensya. Kapag hindi siya sumagot, ituturing itong pag-waive ng kaniyang karapatang magpaliwanag. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here