MANILA, Philippines – Binatikos ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa “disturbing lack of urgency” sa pagsuspinde sa passport ng nagbitiw na Ako Bicol representative na si Zaldy Co.
“Ang tagal na nating panawagan sa DFA na kanselahin ang passport ni Zaldy Co. Napakarami nang basehan, pero ang laging sagot nila ay pare-parehong dahilan kung bakit ayaw kumilos,” ani Tiangco. Dagdag niya, “Pag gusto, may paraan; pag ayaw, maraming dahilan.”
Ayon kay Tiangco, na unang nag-ugnay kay Co sa flood control scam, dapat agad kumilos ang DFA lalo na’t may ulat na maaaring mayroon nang Portuguese passport at golden visa si Co.
“Alam nating lahat kung gaano kahalaga si Zaldy Co sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects. Kaya nararapat lang na mapauwi natin siya agad para harapin ang hustisya,” dagdag niya. Jojo Rabulan