Home METRO SDO ng Navotas nakakuha ng mataas ng iskor sa NCR NAT

SDO ng Navotas nakakuha ng mataas ng iskor sa NCR NAT

250
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang mga guro, pinuno ng paaralan, at mga kawani ng edukasyon matapos makuha ng Schools Division Office (SDO) ng Navotas ang pinakamataas na pangkalahatang iskor sa National Achievement Test (NAT) para sa Grade 6 sa buong NCR para sa school year 2024–2025.

Nakapagtala ang SDO Navotas ng Mean Percentage Score na 69.74, ang pinakamataas sa rehiyon. Nanguna rin ito sa lahat ng asignatura: Ingles (74.68), Matematika (71.20), Agham (66.12), Filipino (68.01), at Araling Panlipunan (68.67), na mas mataas sa regional averages.

Pinuri ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng mga guro, pinuno ng paaralan, at mga tauhan ng edukasyon habang ipinagdiriwang ng Lungsod ng Navotas ang isang mahalagang milestone sa tagumpay ng mga mag-aaral nang makapagtala ang Schools Division Office (SDO) ng Navotas ng pinakamataas na pangkalahatang iskor sa National Capital Region (NCR) para sa National Achievement Test (NAT) sa Grade 6 pupils’ para sa school year 2024–2025. JOJO RABULAN

Kabilang sa mga nangunang paaralan ang North Bay Boulevard North Elementary School (90.20 MPS), Bangkulasi Elementary School (80.37), San Rafael Village Elementary School (78.46), Navotas Elementary School (77.64), Navotas-I Elementary School (75.81), at North Bay Boulevard Elementary School (74.96). Nagpatupad ang mga ito ng targeted interventions tulad ng parent engagement, karagdagang aralin, at review sessions.

“This achievement is not only because of our outstanding students; it is also the result of the skill and dedication of our teachers,” ayon kay Mayor Tiangco.

Ayon naman kay SDO Superintendent Dr. Meliton Zurbano, nakamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng “education champions.” Aniya, “Happy Learners are performers!”

Binanggit ng dibisyon ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at ang mga programang Basa Navoteño, NAVOREADS, Project NUMERALS, at Kalinisan at Disiplina Program na nagpalakas ng literacy at numeracy skills.

Mas maaga ngayong taon, pinarangalan din ang Navotas para sa Natatanging Pagganap ng Local School Board dahil sa mga programang tumulong sa maagang literasiya at pagtaguyod sa mga mag-aaral. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here