Home ENTERTAINMENT Nobyo, namanhikan na sa partido ni Bea!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Nobyo, namanhikan na sa partido ni Bea!December 4, 2025 20:193360 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – For a while, Ogie Diaz earned the “notorious” distinction bilang nakaka-scoop ng mga hiwalayan sa showbiz.Bale ba, ‘yun ang taon kung kailan sunud-sunod nga naman ang mga showbiz breaksup–whether as married couples or magnobyo pa lang.Pero bumabawi na ngayon si Ogie as in 180-degree turn.Tungkol kasi ito sa mga pares who’ll soon receive the sacrament of matrimony.Ito’y walang iba kundi sina Bea Alonzo at Vincent Co.May pasubali though si Ogie–let’s wait and see daw kung may pag-aming mangyayari.But quoting his source, namanhikan na daw si Vincent sa partido ng aktres.Ibig sabihin, present ang ina at stepdad ni Bea nang maganap ang tradisyunal na pamamanhikan.Nang tanungin naman kung kallan most likely ang kasal, early next year daw.Teka, mukhang magsasabay pa ang dalawang pangunahing bida ng tapos nang GMA teleseryeng Widows’ War na sina Bea at Carla Abellana, ah!If true, congrats and best wishes in advance! Ronnie Carrasco III