Home SPORTS Kim Hyo Jun kampeon sa 2nd Remate Open Championship Mixed Senior Classified...

Kim Hyo Jun kampeon sa 2nd Remate Open Championship Mixed Senior Classified Masters

250
0
CHAMPION - Ginawaran nina World Bowling Hall of Famer at 6-Time World Bowling Champion Rafael “Paeng" Nepomuceno (dulong kanan) at Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda (dulong kaliwa) ang mga nagwagi sa 2nd Remate Open Championships Mixed Senior Classified Masters sa pangunguna ng nagkampeon na si Kim Hyo Jun.REY NILLAMA
CHAMPION - Ginawaran nina World Bowling Hall of Famer at 6-Time World Bowling Champion Rafael “Paeng" Nepomuceno (dulong kanan) at Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda (dulong kaliwa) ang mga nagwagi sa 2nd Remate Open Championships Mixed Senior Classified Masters sa pangunguna ng nagkampeon na si Kim Hyo Jun.REY NILLAMA

MANILA, Philippines – Nasungkit ni PSB–Viking star Kim Hyo Jun ang kampeonato sa Mixed Senior Classified  Masters ng 2nd Remate Open Championships na nagsimula noong November 29 at tatagal hanggang December 7, 2025 sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Umiskor si Kim Hyo Jun ng 1,736 points upang makuha ang karangalan at maibulsa ang tumataginting na P60,000 prize money kasama ang napakagandang championship trophy.

Nanguna sa pagbibigay ng award sa mga nagwagi sina World Bowling Hall of Famer, 6-time World Bowling Champion at Remate Ambassador Rafael “Paeng” Nepomuceno at Remate Bowlers Club/ Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda sa event na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Hinirang naman si Rex Galang, pambato ng ACTBA, bilang 2nd place matapos makatipon ng puntos na 1,711 sapat upang maiuwi ang P30K na premyo plus trophy.

Natangay ni Benny Mondoy, mula sa  SLETBA, ang 3rd place crown nang umiskor ito ng 1,709 sa kabuuan. Naiuwi naman nito ang cash prize na P15,000 at trophy.

Hindi rin nagpahuli si PTBA-U&1 player May Tumbagahon na kumamada ng 1,693 points para tanghaling 4th place sa laban. Naibulsa rin nito ang cash prize na P8,000 plus trophy.

Humakot si Egay Alqueza ng SUGBO ng 1,671 para tangayin ang 5th place habang si Mary Ann Yu ng PTBA-Lions ay humakot ng 1,665 poins para sa 6th place na may premyong P4,000.

Napakitang gilas din sina Cef Chua (CKTBA) at Yaboye Dennis (ACTBA-PSB) na sumungkit ng 7th at 8th place, ayon sa pagkakasunod-sunod, na may premyong tig-P4,000.

Agad namang binati at pinuri ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang mga nagwagi.

Layunin ng kompetisyon na ipalaganap ang larong bowling sa bansa at makadiskubre ng magagaling na manlalaro na pwedeng isabak sa lokal at international na kumpetisyon, ayon kay Antiporda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here