Home METRO Most wanted na British national, nadakip sa Makati

Most wanted na British national, nadakip sa Makati

225
0

MANILA, Philippines – Isang British national na tinaguriang most wanted person (MWP) ang nadakip ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD), na siyang namuno sa operasyon, kabilang ang mga miyembro ng District Intelligence Division (DID), District Mobile Force Brigade (DFMB), at Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Makati City police, Huwebes ng gabi, Disyembre 4.

Sa report na natanggap ni SPD Director P/Brig. Gen. Randy Arceo, kinilala ang inarestong suspek na si alyas Anthony, 56, consultant, residente ng isang condominium sa Barangay Carmona, Makati City.

Base sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang pagdakip sa suspek sa loob ng kanyang tahanan bandang alas-7:30 ng gabi.

Ang pag-aresto sa suspek ay naisakatuparan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest kaugnay sa kasong paglabag sa Section 5(I) ng R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) na may Criminal Case No. R-MTK-25-02267-CR.

Ang nabanggit na warrant of arrest ay ipinag-utos ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Cristina F. Javalera-Sulit, National Capital Judicial Region, Branch 140, Makati City, na may kaakibat na kaukulang piyansa na ₱72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Makaraan ang pagdakip sa suspek, agad itong dinala sa custodial facility ng Makati City police habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang kulungan sa Makati City jail.

“The successful capture of a foreign national wanted for a serious violation of the VAWC Law underscores the SPD’s commitment to protecting the vulnerable, regardless of the suspect’s origin or status,” ani Arceo. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here