Home NATIONWIDE Public auction ng mga natitirang luxury cars ni Discaya, binuksan ng BOC

Public auction ng mga natitirang luxury cars ni Discaya, binuksan ng BOC

219
0

MANILA, Philippines – Muling binuksan ng Bureau of Customs (BOC) sa publiko nitong Biyernes, Disyembre 5 ang public auction ng mga nakumpiska at nabawing luxury cars ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya sa opisina nito sa Port Area, Manila.

Ipina-auction ng BOC ang apat na luxury car ng mga Discaya makaraang bigong maibenta sa unang bidding ang lahat ng unit.

Tanging tatlong luxury car lamang ang naibenta sa initial auction noong Nobyembre 20 sa halagang kabuuang P38.21 milyon.

Sinabi ng kagawaran na ang mababang floor price ang nakahikayat ng mas maraming bidder.

Ang pitong sasakyan ay kinumpiska dahil sa kakulangan ng permit, hindi bayad na buwis at kulang na dokumentasyon.

Anim pang luxury vehicle ng mga Discaya ang iniimbestigahan pa kung kulang din ang mga ito ng kaukulang import entries o hindi bayad na buwis.

Sa auction nitong Biyernes, naibenta ang Toyota Tundra (2022) sa isang single bidder sa halagang P3,480,000. Ibinayad ng RMCE Metal Products Trading Corp. ang full payment.

Samantala, ang Toyota Sequoia (2023) na may floor price na P4,669,554.50 ay naibenta kay Jose Maria Esteban III sa halagang P6 milyon.

Ang mga pondong malilikom ay ituturn-over sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para magamit sa social programs. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here