Home TOP STORIES Gobyernong may puso: Frontliners unang nakinabang kay Recto

Gobyernong may puso: Frontliners unang nakinabang kay Recto

192
0

Muling napatunayan ni Secretary Ralph Recto ang kanyang integridad at dedikasyon sa serbisyo publiko sa pamamahala ng idle funds sa ilalim ng 2024 GAA.

Sa isyu ng PhilHealth funds, malinaw ang posisyon ng Department of Finance (DOF) sa ilalim ni Executive Secretary at dating Finance Secretary Ralph Recto: sundin ang batas at tiyakin na ang pondo ay mapunta sa tamang benepisyo para sa mamamayan.

Batay sa 2024 General Appropriations Act (GAA), ang DOF ay kumilos upang maipamahagi ang matagal nang nakalaang health emergency assistance (HEA) para sa mga frontliner na nagtulong sa bansa sa panahon ng pandemya.

Ayon sa mga opisyal, ang hakbang ay bahagi ng mandato ng Kongreso at nakatuon sa mabilis na pag-abot ng benepisyo sa mga manggagawang pangkalusugan.

Matatandaan na bago pa man magkaroon ng pinal na ruling mula sa Korte Suprema, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagbabalik ng P60 bilyong remittance sa PhilHealth.

Para sa 2026, lumaki na ang pondo ng ahensya mula P53.13 bilyon patungong P113 bilyon, na nagtataguyod ng pagpapatuloy ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Para sa maraming health workers at tagamasid, ang mabilis na aksyon na ito ay patunay ng pangangasiwa na nakatuon sa tao, sa batas, at sa transparency.

Sa huli, ang mahalagang tanong ay: sino ang kumilos upang maiparating ang benepisyo sa frontliners?

Ayon sa ulat ng ahensya, ang DOF sa ilalim ni Recto ang namahala sa implementasyon at distribusyon, bilang bahagi ng mandato ng gobyerno. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here