Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy
ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Inilipat na sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo noong Biyernes ng gabi, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Si Guo ay nahatulang guilty sa qualified human trafficking at pinatawan ng life imprisonment at P2-milyong multa dahil sa mga ilegal na aktibidad na natuklasan sa isang illegal POGO hub sa kanyang bayan.
Ayon sa BJMP spokesperson na si Jail Superintendent Jayrex Bustinera, dumating sa CIW sina Alice Guo, Rachel Joan Carreon, at Jamielyn Cruz noong 10:48 p.m. ng Dec. 5, 2025, matapos ilipat mula sa BJMP Pasig City Jail Female Dormitory. Ang paglipat ay base sa commitment order mula sa Regional Trial Court Branch 167 sa Pasig City.
Ayon sa CIW, pagdating nila, ang tatlo ay sasailalim muna sa 5-araw na protocol quarantine sa Reception Diagnostic Center (RDC) at dadaan sa medical examinations.
Pagkatapos ng quarantine, ililipat sila sa regular RDC dormitory para sa 60-araw na orientation, diagnostics, at evaluation bago sila dalhin sa kanilang magiging dormitory sa Maximum Security Camp. RNT/MND