Home ENTERTAINMENT Daryl Ong at Wacky Kiray, niresbakan ni Rosmar!

Daryl Ong at Wacky Kiray, niresbakan ni Rosmar!

2
0

Manila, Philippines – “Lintik lang ang walang ganti” ang pinairal ni Rosmar Tan laban kina Daryl Ong at Wacky Kiray sa mga post nito tungkol umano sa P500 job offèr para sa walong oras na pagkanta.

Nagbiro kasi si Daryl via social media post na willing siyang sunggaban ang alòk kung US$500 ang ibabayad sa kanya kada awitin.

Baka nga daw sa tatlong oras ay pagsawaan na siya ng audience.

Sagot naman ni Wacky Kiray, willing siyang magbigay ng P2,500 para shampoo-hin ang ulo niya.

Dahil sa mga biro nila’y obyus na na-offend si Rosmar.

Ikinumpara ni Rosmar ang dami ng likes at followers niya kumpara sa dalawang mang-ookray.

‘Di hamak na mas kabog daw niya ang mga ito in terms of engagement.

Resbak ni Rosmar: “Grabe, 500k followers pero wala pang 100 ang nag-like…ako 25k likes agad!”

Kinuwestyon naman ng mga netizens ang wala-sa-lugar na pagyayabang ni Rosmar.

Kahit daw marami itong social media followers to the tune of millions, mananatili pa din daw siyang “dakilang da who”!

May kasabihan ngang “Truth hurts.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here